Wednesday, April 25, 2012

Pangarap na Pilit Aabutin..

Meron akong daan-daang dahilan kung bakit ko kinuha ang kursong Mass Communication. Una, pangarap kong maging Brodkaster. Pangalawa, alam kong dito ako magaling. Kung sa pagsayaw at pagkanta, wala akong talent, sa larangan ng pamamahayag, alam kong may ibubuga ko. Kaya nga ako nagpakahirap na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Kasi gusto kong matapos ang kursong pinangarap ko. 

Ngayong graduate na ko, naiinis ako sa lipunang ginagalawan ko. Gusto ko man sila murahin isa-isa, idadaan ko na lang sa pagsulat. Maraming nagsasabi, "Sayang ang pinag-aralan kung sa call center ka lang babagsak." Para bang ang laking kasalanan kapag nag-call center ako. Kung ako ang masusunod, siyempre gusto kong makakuha ng trabaho sa larangang pinag-aralan ko. Ang problema kasi, hindi sumasang-ayon sa akin ang ihip ng panahon. At sigurado akong hindi lang sa akin.

Paulit-ulit kong naririnig, "Wag kang mag-stay sa trabaho na di ka masaya." Ang sagot ko naman diyan, tiis tiis lang. Hindi naman porket sa call center ako ngayon, dito na ko habang buhay. Sa hirap ng buhay ngayon, HINDI MASAMA ANG MAGING PRAKTIKAL. 

Marami akong PANGARAP sa buhay. At hindi ako titigil hangga't di ko naaabot lahat ng iyon. Kanya kanyang diskarte lang yan. Kung milyonarya lang ako, agad-agad akong mag-aapply sa Media. Kahit gaano pa kaliit ang sweldo walang problema sa'kin. Kaso may mga responsibilidad akong dapat gampanan. Ayokong dumating sa punto na manghihingi ako ng baon sa magulang ko dahil nakapos ako sa sweldo.

Ang pananatili ko sa call center ay hindi hangganan ng mga pangarap ko. Malay natin, sa susunod na araw, o sa susunod na buwan, o sa susunod na taon, nasa Media na rin ako. At sinisiguro kong hindi ako titigil hangga't di ko nararating lahat ng gusto kong maabot sa buhay.

Gaya ng palagi kong sinasabi, "Passion can wait but a living for my family can't."

Sa mga taong sumusuporta pa rin sa'kin, MARAMING SALAMAT.

Sa mga taong nawalan na ng tiwala sa kakayahan ko, ipapakain ko sa inyo lahat ng mga sinasabi niyong hanggang dito na lang ako. Panoorin niyo ang magiging pag-asenso ko sa buhay.

2 comments:

  1. GO MKAYE!! :) hayaan mo na sila. You're right, you might not be on a job related to what you have taken in college now but you will.. someday.. we might not be that close pero I know you can..you got that something that I don't have, confidence and strength. I won't be surprised if someday I'll be seeing your name on newspapers, hearing your name on radio or seeing you on TV. Don't let them pull you down. Muah! I miss you, this sounds awkward but I do. :)

    ReplyDelete
  2. Thank you so much Cess! I miss you, too! :)

    ReplyDelete